Airnel T. Abarra, MSc.- Head Coach Track and Field (Athletics) for Grade School, Junior High School, and Senior High School.

Tinanggap ni G. Abarra ang parangal bilang coach of the year kapiling (mula sa kaliwa) si Bb. Celina Simone Jaldon- Special projects coordinator; dalawa sa atleta ni Coach Airnel na sina Maria Maninging Miclat at Florian Besana. Kapiling din sina Atty. Rebo Saguisag- pangunahing panauhin at G. Emmanuel Rene S. Ayo- Direktor para sa Athletics- Pamantasang Ateneo de Davao.

Mr. Emmauel Rene “Noli”  S. Ayo- Director Office of the Athletics- Ateneo de Davao University. Mr. Wilfredo “Butch” Samante- Director for Alumni Affairs, Ms. Liza R. Lao- Assistant Principal for Formation- Ateneo de Davao University-Junior High School,  and Mr. Ramon Bien of the Ateneo de Davao Varsity Parents Council .Dear guests, parents, friends, mga igsoon sa trabaho. Maayong Gabii kaninyong tanan.

I will try my best to speak in 3 languages as I accept this award. Filipino, Binisaya, and English. Why? We know the fact that Davao is melting pot city. A city full of cultural diversity, a city of different people. The city where Ateneo de Davao is located. Ateneo is love.

Labaw ang akong kalipay sa pagdawat ng award na coach of the year. Walay sa akong huna-huna na makaabot sa antas na ni. Mas tinuod na coach ang akong mga kauban. Daghan na sila nidaog na mga padula. Dugay na sila nagko-coach. Saludo sa kanila. Hatagan nato sila gihapon ng palakpak.

Batid nyo na hindi ako nagging atleta. Batid ng bawat isa wala pa ako nadadalang atleta sa matataas na palaro sa ating bansa. Marahil isang kabalintunaan na ako ang napili. Marahil nakita ang ating mga inampalan kung ano ang mas nararapat. Isang coach na kayang iwan ang lahat para sa pangarap nya sa isport: para sa Diyos, para sa bayan.

Sa bayan natin, lalo sa ating larangan, sinusukat tayo sa dami ng ating naipanalong mga torneo, mga atletang nadadala sa mga malalaking mga liga. Ngunit sa nakita ko sa aking paglalakbay bilang coach, na higit na mas matimbang ay kung ano ka bilang isang  tao. Ang iyong dangal, ang iyong pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, at sa iyong mga atleta

Di madali na iwan ang pamilya at tanggapin ang hamon bilang coach sa isang lungsod na malayo sa amin. Ngunit siguro totoo nga ang sinasabi na sa Biblia na “Ang propeta ay kinikilala, liban sa kanyang sariling bayan”. Bakit laging ganoon? Marahil dahil na rin nasanay ang ating lipunan na tingnan ang isport di isang mataas na propesyon. Umaayon lamang sa nakatataas, makisama ka na lang, pag naging hepe ka na lang, saka mo gawin ang gusto mo. Sinanay tayo sa kultura na pagiging masunurin at gawin lang kung ano ang inuutos sa atin. Di ko sinasabi na masama ang pagiging masunurin ang aking ibig sabihin yung sumabay na lamang sa agos. Ngunit sa aking mga nakasalamuha sa bawat bansa at pamayanan na aking napuntahan., napansin ko na ang matatagumpay na mga komunidad sa athletics ay may mataas na karakter. May dalisay na hangarin at mataas na kultura. Kulturang patuloy na naghahangad ng “Magis”. Di kampante sa nakasanayan. Handang sumalubong sa daluyong.

The experience I had both the ups and downs realized also the value of winning. But it should not be always the number of winnings as measure of our success as coach. In my journey for the past 10 years as coach of track and field. I met different people. The good, the bad, and the ugly. Good people who helped me to see sports on a different perspective. The bad and the ugly who try to paint our profession in a bad light to the extent that my good intentions are disdained and shunned. But, we must see that in life there are no stumbling block. Only stepping stones. As I let my athletes join me in my journey, I try to explain to them what is more valuable. It is life. A life lived to the fullest.

The connections we made in our community with other people and clubs outside our country is a hard work. If we want our athletes and our community to see us with more dignity and respect, we must earn it. We get used to a society that everything should be given to us on a silver platter. Life is not always like that. we must toil and do our labor every day to prove our worth. Work with honor because at the end of the day, we will be measured if we never compromised, never fooled others, never settled for what is mediocre. It took us quite some time to convince my partners, the parents and other stakeholders to see our sport Athletics in Ateneo with some attention. I hope with this affirmation from you my dear fellow coaches, we can strive more. In the context of development, Dr. Norbert Stein who is the only few coaches in Germany who has a PhD told me that we must see sport as a gradual and developmental process. I quote “what little john doesn’t know, big John won’t remember. Meaning the seeds that we planted when they are young, it will be used once they become older. Di habang buhay atleta ang mga atleta natin. Aalis sila, mag-aaral, maghahanap-buhay, magkakapamilya o kung anomang bokasyon na nais nilang piliin. Ihanda natin sila sa mga hamon ng buhay.

Mga igsoon, napansin nyo marahil na ginagamit ko ang “kami” o “us” sa aking talumpati. Naniniwala ako na di lamang ako tumanggap ng parangal na ito. Kasama ko dito ang lahat ang aking pamilya. Ang aking mga atleta, sampu ng kanilang mga magulang at iba pang mga pangkat o indibidwal na naniwala sa aming mithiin simula nang mapadpad ako dito sa Dabaw. Kabilang and dalawa sa kanila ngayon: si Florian at si Maningning. Sa kanilang pagtangkilik sa programa, na simula ay tila mahirap abutin, napagsumikapan naming na ang aming mga simulain ay unti-unti nang nagkakabunga. Mga atleta, ang aking pamilya dito sa Dabaw, para sa inyo ito.

Sa ating komunidad, nawa’y maikwento nyo sa iba ang aming mga mithiin. Makita nyo na kaming mga coaches ay may mahalagang misyon sa buhay ng inyong mga anak at mag-aaral. Kasama nyo kami.

Di na ako magtatagal, bilang pagwawakas, Nawa’y makita natin na ang pagko-coach isang mataas na propesyon na humuhubog sa mga kabataan. Paghubog di lang nakatuon sa mga karangalan, paghubog upang ihanda sila bilang mabubuting tao, paghubog na masasabi mo tuwing ikaw ay matutulog sa gabi na, tama ang ginawa mo. Masarap matulog sa gabi nang mahimbing kung alam mong tama, makatwiran, at marangal ka.

Daghang Salamat po!